Wednesday, January 10, 2024

Work Anniversary - Top Printers


January 2024 - 20:28 Qatar Time
Doha, Qatar 🇶🇦 

Every January ng bawat taon ang work anniversary ko sa bansang Qatar. Actually hindi ko nga inisip noon na makakapag abroad ako dahil mahirap ang competition dahil madami ang nag aabroad. Mabuti na lang at naglakas ako ng loob na subukan ang trabaho sa ibang bansa. Sino mag aakala na noong unang tapak ko sa Qatar ay may mahigit sa 500 pesos lang akong dalang baon na pera.
Biruin mo yun!

Naharang pa ako sa immigration noon dahil kailangan nila usisain ang pag alis ko gamit ang business visa. Maraming tanong sa akin pati nga yung ATM card na walang laman ay tinanong din pero sinabi ko na may pera yun pang gastos bigay ng boss ko (pero syempre alibi lang). Mabuti na lang talaga magaling akong magpaliwanag. Pinakita ko din ang mga document ko at conversation email kaya pinayagan na nila ako umalis. Salamat talaga malakas ako kay AMA 💚🤍❤️.  Kapag mabuti kang tao ay talaga namang may gabay at panubay ka ni Lord GOD🥰.

Naalala ko nga din noon na madami akong nilapitan kaibigan maging kamag anak bago ako umalis dahil syempre need ko mag iwan ng pera sa pamilya ko. Pangdagdag din sa pag aasikaso ng mga papeles ko at iba pang gastusin. Nakakalungkot talaga dahil bilang lang sa darili ko ang tumulong sa akin kasi hindi sila naniniwala na makakaalis ako. Sino ba naman ako diba, kaya pahirapan talaga noong panahon 2009.

Tuwang tuwa ang kalooban ko noon dahil sa wakas makakasakay na din ako ng Airplane for the first time. Iyon kasi ang unang sakay ko ng airplane. Para akong bata noon habang sakay ng eroplano dahil first time syempre. Nang makalapag kami sa bansang Qatar at magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng Video clip...eto po siya unang tapak ng Qatar. Nakakatuwa dahil maayos kaming nakalapag at may bus na nagsundo sa amin para makapunta loading area.

Actually na delayed ang flight namin noon kaya yung magsusundo sa akin ay matagal na nag antay bago nila ako nakita😉. Nakakatuwa dahil may dalang placard sa akin kaya nakita ko agad 😅 tuwang tuwa ako noon🤩. Nang makalabas kami ng Airport ay agad akong dinala sa aming head office at agad akong pinakilala sa aming big boss (V) kaya sinabihan niya ako na ilalagay ako sa isang department bilang isang marketing executive (sosyal diba). Doon na nagsimula ang napakahabang pakikipag sapalaran sa bansang Qatar. 

Maraming kwentong malungkot at syempre meron ding masaya. Kailangan nating maging matatag lalo na sa kalungkutan na ating nararanasan. Ganyan talaga ang BuhayOFW kaya kailangan maging matatag at matiisin para hindi tayo ma-Homesick. Palagi nating kamustahin ang ating mga mahal sa buhay upang hindi tayo malungkot habang tayo ay malayo sa kanila.
Picture namin nung 2010 sa NAIA bago ako umalis ng bansa.