Monday, January 8, 2024

REWIND Movie Pinirata - apflores03


January 08, 2024 - 830pm
Doha - Qatar

Nagkalat ang palabas ng REWIND nila Marian Rivera at Ding-dong Dantes sa Facebook ngayong araw dahil sa pag upload nito sa social media. Halos umabot sa Millions  views at 100k plus share ang nasabing pirate movie base sa isang Facebook post. 

Sabi nga ng karakter na si LODS "BAD YAN", dahil makakaapekto ito sa Total sales at blockbuster movie na kanilang ginawa. 

Ayon na din sa isang artikulo na nakita ko sa internet ay may mga nakahandang kaso sa mga individual na nagpapakalat ng nasabing movie. Ngunit hindi  pa nila matiyak kung ilan na ba ang nagkaroon ng kopya ng movie dahil mabilis itong kumalat sa social media.

Sabi nga sa palabas "DEAL" handang pumalit si John para lamang mabuhay ang kanyang asawa. Nakakalungkot dahil mukang tuluyan na itong mapipirata dahil sa madami na ang nakapanood at nag download ng Movie. Kung ito ay tumagal pa kahit na isang oras sa social media ay madami na ang nakapag download ng nasabing movie.

Nakakalungkot para sa tambalang Marian at Ding-dong Dantes dahil napirata ang kanilang movie na matagal nilang pinaghandaan para lamang sa nasabing proyerko sa Pelikulang Pilipino. Ang totoo ipapalabas naman nila yan ng libre pagdating ng panahon dahil may mga free movie naman na napapanood natin. Pero kung maaga mapirata ay baka tamarin na gumawa ng movie ang mga artista at maging ang mga producer ng pelikula.

Note: Wag sanang magpirata ng movie habang ito ay naipapalabas pa sa mga sinehan dahil unang una malaking kawalan ng kita sa pelikula at maging ng TAX sa ating Gobyerno. Be fair po tayo mga LODI para maging masaya ang bawat isa....DONGYAN is SAD 😔