Tuesday, January 30, 2024

My Beloved Family - apflores03


January 2024

My Beloved Family Photo Wall 

Gaano ba natin pinapahalagahan ang ating pamilya? Palagi ba natin silang naaalala? Kinakamusta ba natin sila?

Yan ang mga tanong na dapat nating laging iniisip kapag malayo tayo sa kanilang piling. Isa ka din bang OFW? Kung yan ang sagot mo halina at ating sagutin ang mga tanong na yan.

Tanong: Pinapahalagahan ba natin ang ating pamilya? 
Sagot: Aba syempre naman kaya nga tayo pumunta ng ibang bansa ay para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Kasi sa ibang bansa madalas mas malaki ang kinikita ng mga OFW kumpara sa ating bansa. Dito din natin nabibigyan na sapat na kabuhayan ang ating mga pamilya. Kaya dapat kung tayo ay nasa ibang bansa gawin na natin ang lahat para magawa nating matulungan ang ating mga pamilya.

Tanong: Palagi ba natin silang naaalala?
Sagot: Iyan ang isa sa dapat natin ginagawa ang alalahanin sila kahit na malayo tayo sa kanilang piling. Marami kasi sa mga OFW ang nawawalan ng oras para alamin ang kanilang kalagayan lalo na kung sapat ba ang kanilang panggastos sa bahay o maging sa pag-aaral. Ito ang isa sa mga nagiging dahilan bakit madami ang hindi nagkakaunawaan pagdating sa gastusin sa araw-araw. Kaya nasisira o nawawalan nang tiwala sa isa't isa. Wag nating hayaan na mawalan tayo ng komunikasyon sa ating pamilya. Ugaliin nating tawagan o message ang ating pamilya upang hindi sila mag aalala lalo na malayo tayo sa kanilang piling. Open communication is one of the best tools para maging maayos ang ating mga pamilya.

Tanong: Kinakamusta ba natin sila?
Sagot: Kung isa kang OFW, wag nating hayaan na hindi kinakamusta ang ating mga mahal sa buhay. Una na ang ating asawa dahil sila ang nag aasikaso sa ating mga anak habang malayo tayo. Ugaliin din natin kamustahin ang ating mga anak lalo na ang kanilang pag-aaral. Alamin natin ang kanilang mga barkada at alamin din natin ang kalagayan nila sa school. Wag nating hayaan na lilipas ang bawat araw na hindi man lang natin sila kinakamusta.

O siya simulan munang kamustahin ang iyong pamilya. Wag natin hayaan na lilipas ang isang linggo, buwan o taon na hindi mo man lang kinakamusta ang iyong mahal sa buhay. Mahirap ang maging isang OFW ngunit mas mahirap ang lumalaki ang ating mga anak na malayo ang kalooban nila sa atin. Wag natin hayaan na balang araw magsisi tayo dahil hindi man lang natin sila kinakamusta.

LOVE YOUR FAMILY AS THE LORD GOD LOVE YOU❤️ #apflores03