Tuesday, February 8, 2022

Paalam Mr. President

Mr. President Rodrigo Roa Duterte

Isang matandang mayor sa mindanao ang sumubok maging Tatay sa milyon milyong tao na umaasang guminhawa ang buhay. Sa sobrang gulo at dumi ng sambayanan ang Tatay nating ito ay nagtaya nang kanyang buhay maging ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa pamilya makapaglingkod lamang sa sambayanang Pilipinas.

Ilang buwan na lang lilisan na ang ating palamura at tigasing AMA ng sambayanan. Lilisanin niya ang opisina na mataas ang pagtingin ng karamihan. Sayang naman akala ko nga baka pede na siya na lang ulit ang tatay natin sa darating na 10 taon o di kaya  habang buhay kaso sadyang ganyan talaga ang life May hanggangan dahil sa Eleksyon na darating.

Maraming salamat po Mr. President Tatay Digong Duterte sa lahat ng nagawa mo sa ating minamahal na bansang Pilipinas. Wala ng magtatanggol sa amin sa mga adik at sanggano sa kalsada, mga abusadong empleyado sa gobyerno, wala ng magmumura via Live sa TV or Social Media, wala ng magagalit sa mga oblikaryong matitigas ang mukha na dumadaya sa lipunan. Wala na din magpapatawa sa SONA na inaabangan namin tuwing yearly reporting ng pangulo. 

Ngayon pa lang ay nag papasalamat na po kaming lahat hindi pa man po tapos ang iyong termino ay namimiss namin agad ang iyong pamamahala. Sana sa susunod na hahawak ng bansang Pilipinas ay maging kagaya mo na hindi takot mamatay para sa kapakanan ng sambayanan. Lumalaban sa lahat ng mandaraya at katiwalian na nangyayari sa bansa. Hindi takot bigyan ng hustisya ang mga inaapi. Kaya ang wish lang po namin na humaba pa ang iyong buhay para may gagabay po sa susunod na Presidente ng Pilipinas….🙏❤️👍