Wednesday, February 9, 2022

Ka Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta via BBMSARAFB

Napanood at napakinggan natin ang kanyang buong speech na naglalaman ng mga magagandang plataporma na para sa sambayanan. Kung atin pong papanoorin ay maaantig ka sa mga binanggit niyang plano. Sa aking palagay ay magiging mabuting senador si Ka Rodante dahil sa kanyang mga plano na para sa ating mamamayan.

Nakakatutuwang malaman na napakaraming suporta ang nagpahayag sa kanyang pagtakbo sa mundo ng pulitika. Hindi man siya ganun kakilala at sikat subalit ang kanyang adhikain ang tunay na kailangan ng sambayanang Pilipino.

Sinabi din ni Congressman Marcoleta na kung bakit siya nagpasyang sumali sa line up ng Uniteam nila BBM at Sara na ang pinaka dahilan ay ang pagkakaisa para sa ikakakaunlad ng bansang Pilipinas. Iyon din ang pinapakita ng Team Unity nila BBM at SARA na nakita ng buong sambayanan sa Philippine Arena.

Totoo naman na nakapabigat ang nararanasan ng bawat mamamayang Pilipino dahil sa pandemya at sakuna na sumira sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Maraming mamamayan ang naghirap dahil sa kawalan ng trabaho at madami ang nagugutom. Sana lang maging totohanan ang lahat ng mga nabanggit ng bawat kandidato na tutulong lahat sila para sa kapakanan ng buong sambayanang Pilipino.

Panoorin po natin ang buong speech ni Congressman Rodante Marcoleta na soon to be a Senator of the Philippines.

Panoorin po natin ang interview ni ka Tunying kay Congressman ka Rodante Marcoleta tungkol sa kanyang pagiging Miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Video link courtesy of ka Tunying TV