Jessica Soho - GMA7
screen grab from GMA7 Live
Ngayong araw January 22, 2022 naganap ang unang Presidential Interview ng mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa ngayong taon 2022. Ang mga nag paunlak ng interview ay sina VP Leni Robredo, Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno. Hindi nagpaunlak si dating Senator Bong Bong Marcos sa nasabing interview.
Kaliwa't kanang batikos ang naglipana sa buong Internet at maging sa iba't ibang media ng bansa, maging sa International media naibalita din ang hindi pagdalo ni dating Senator Bong Bong Marcos. Ano nga ba ang dahilan bakit hindi siya nagpaunlak sa Presidential Interview ni Jessica Soho.
Narito po ang full interview ng kanyang Chief of staff and spokeman na si Attorney Vic Rodriguez mula sa station na Eagle News ng Net25 paki click lang po ang link: FB page ng EagleNews Net25
Kung atin pong panonoorin ang nasabing interview naipaliwanag ng maayos ng kampo ni BBM (TeamUnity) ang dahilan ng hindi nila paglahok. Kung atin din pong papanoorin ang nasabing palabas ay hindi din naging maayos ang nasabing palabas sapagkat ito po ay Pre-Recorded Video lamang. Ang ibig sabihin po ay hindi siya gaanong kasabik sabik dahil ito po ay recorded video. Iyan ang isa sa nakakadismaya dahil hindi po siya Live Coverage.
Nang mabuksan ko ang Facebook Channel na nasabing palabas ay halos 3 hours po ang inabot base sa screen grab na nasa ibaba.
Makikitang napakahaba ng nasabing palabas at karamihan sa mga nangyaring Interviews ay puro tanungan portion lamang wala halos plataporma akong narinig sa lahat ng lumahok. Kung atin pong panonoorin ay halos hindi ko din makuha ang mga nais kong malaman ukol kung paano nila tutulungan ang sambayanan Pilipino sa kasalukuyang sitwasyon natin. May ilang mga tanong pa nga nahalos Mali Mali ang sagot ng kandidato. Example ko na lang ay yung ONE WORD tapos ipapakita nila yung photos. May mga kandidato na tama ang sinagot at may ilan naman na hindi sumunod.
Kaya para po sa akin ang nasabing palabas ay isa lamang ordinaryong interview. Parang mag apply ka ng isang trabaho question and answer portion. Yan po ang aking pananaw sa nasabing Presidential Interview ni Jessica Soho. Wag po kayong magalit ahhh kasi personal opinion ko lang po yan.
Maraming salamat po at ingat po kayong palagi sa readers ko. Love you all