January 22, 2022
Doha, Qatar
Si Jay Sonza at ang Media
Tunay na makapangyarihan ang TAO dapat kaysa sa mga media outlet ng bansa. Ngayon lang natin muling naranasan na may gobyerno na nagpatino sa mga media platform ng bansa. Halos 30 taon tayo pinapaikot ng mga MEDIA dahil sa mga mapang-linlang nilang mga binabalita.
Naalala ko pa nga noon na bawat lumalabas na balita ay todo pa ang palakpak ko dahil akala noon ay totoo na para sa mga tao sila. Nang malaman natin ang katotohanan, pinapaikot pala tayo nila sa kanilang mga kamay para sabihing totoo ang mga balita nila. Napakaraming mga balita noon na lagi akong nakasubaybay dahil ang akala ko ay makakabuti ito sa ating lahat.
Kaya sa sinabi ni kuya Jay Sonza sa kanyang post na lumalabas na mas makapangyarihan sa ngayon ang mamamayang Pilipino kaysa sa mga alin mang media network ng bansa. Tunay na binago ni Presidente Rodrigo Duterte ang kamalayan ng mga mamamayan. Ewan ko na lang sa mga taong pilit na sinisira ang gobyerno ng Pilipinas. Kaya mag abang abang tayo sa mga maglalabasang at nakakatawang bangayan, siraan ng mga taong gustong pumapel sa mundo ng pulitika.
Maging mapagmasid tayo at alamin ang bawat pangyayari kung makatotohan ba nag lahat ng binabalita ng MEDIA.
Salamat kay Kuya Jay Sonza Link: https://www.facebook.com/t2j.sonza