Saturday, January 29, 2022

Rodante Marcoleta to Rowena Guanzon

January 28, 2022
Sa Ganang Mamamayan
Net25

Panoorin po natin: Sa Ganang Mamamayan - Net25

Ipinaliwanag ni Congressman Marcoleta ang ginawang aksyon ni Commissioner Guanzon ng comelec patungkol sa inilibas na pre-mature judgement sa kaso na disqualification case ni Senator Bongbong Marcos.

Nilabag ng nasabing commissioner ang rules ng comelec sa pagdidisclose ng hatol na wala pang official na statement ng comelec. Ayon kay House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na nilabag ng commissioner ang nasabing rules dahil inihayag niya agad ang kanyang hatol sa nasabing kaso at ito ay sinapubliko pa sa interview ng isang mamamahayag. Sinabi din ng speaker na masama ang ginawa ni Commissioner Guanzon dahil nagpupunla siya ng maruming kaisipan sa mga tao dahil inunahan niya kanyang sariling desisyon na wala pang resolution ang lahat ng Commissioner ng nasabing kaso.

Hindi din maganda ang ginawa niya dahil nilagay niya sa alanganin ang iba pang commissioner. Batay kay Speaker Marcoleta malamang ay alam na niya ang hatol ng dalawa niyang kasama at gumagawa lang ito ng eksena para magkaroon ng usap usapan at guluhin lalo ang kaisipinan ng mga tao.

Abangan na lang natin ang kasabik sabik na balita patungkol sa nasabing kaso...

Panoorin na lang po natin ang kabuuan ng Video: Sa Ganang Mamamayan - NET25