Phil Health Issue
Date: May 3, 2020
Ano nga ba ang tunay na dahilan bakit maraming mga OFW ang galit na galit sa pamunuan ng Phil Health ngayon kasabay sa ng Covid 19 Pandemic.
Sa totoo lang isa din ako sa galit na galit sa Phil Health dahil sa nilabas nilang circular nito lang April 2020. Sakop ng universal health care law ang nasabing pag increase ng premium payment para sa mga OFW natin. Ayon sa circular, ang sinumang OFW na lalabas ng bansa ay kailangan magbayad ng 3% ng kanyang kabuuang kita sa buong taon. Kailangan bayaran ito ng buo o hulugan ayon sa kanyang kagustuhan. Maaari niyang hatiin ang pagbabayad sa 3, 6 at 12 months. Ang pinaka matindi sa nabanggit ng circular ay ang additional 1.5% sa hindi pagbabayad dito. Ibig sabihin magkakaroon pa ng utang ang isang OFW kahit hindi naman niya ito kailangan dahil may sariling health card ang bawat isang OFW ayon sa bansang kanyang pupuntahan.
Nakakagulat ang nasabing circular dahil ito ay mandatory para sa lahat ng mga OFW. Kung ikaw ang tatanungin ko bilang isang OFW papayag kaba? Alam kong IISA lang magiging sagot natin, Natural HINDI at syempre kailangan nating Ipaglaban kung ano ang nasa saloobin nating mga OFW.
Ayon sa mga nabasa kong artikulo, si dating Senador JV Ejercito ang primary author ng Universal Health Care Law at siya rin ang palagi nag follow up nito. Napakinggan ko ang ilan sa mga interview niya tungkol sa kung saan kukunin ang pondo para sa universal health care law.
Ito ay kukunin sa mga produktong mula sa Alak, Sigarilyo at iba pa. Wala naman akong napakinggan na kukunin ito sa mga OFW. Malinaw na hindi ito ipinaalam sa lahat at ito ay itinago sa mga OFW kung saan kukunin ang pondo para dito.
Nang ito ay napirmahan ni pangulong Duterte noong Febrero 2019, Universal Health Care Law ( RA 11223) marami ang natuwa sa kanyang talumpati kasama ang buong Gabinete at maging ang lahat ng author nang nasabing bill, isa sa napakinggan ko sa kanyang talumpati ay magiging libre na daw ang pagpapagamot sa lahat ng Pampublikong ospital na para sa mga mahihirap nating kababayan ang magbabayad ay ang Phil Health. Totoo naman na marami sa mga kababayan natin ang nakatanggap ng nasabing proyekto. Lahat ng Pilipino ay cover na nang nasabing law. Kaya marami ang humanga sa proyekto ito ng gobyerno.
Nang ito ay napirmahan ni Secretary Duque dito lumabas ang unang balita na kasama ang mga OFW sa magbabayad ng premium sa nasabing bill. Sa una ay hindi ito napansin ng mga OFW dahil hindi naman talaga ito masyado naintidihan ng karamihang OFW.
Kasabay nito nailabas din ang proyekto ni Senator Bong Go na MALASAKIT CENTER (RA 11463). Na nagbibigay ng libreng gamutan at assistance para sa mga kababayan nating mahihirap. Double bouble na ang mga proyekto at nakakapagtaka kung saan ba kukunin ang Pondo ukol dito.
Ngayon buwan ng Abril 16, 2020, nilabas ng pamunuan ng Phil Health ang circular no. 2020-0014 na kailangan magbayad ang lahat ng OFW sa Phil Health ng kanilang kontribusyon ayon sa kanilang kinikita sa isang buwan. Kung halimbawa na kumikita ka ng 3,500 QRs (49,000 pesos) ang iyong monthly contribution ay 1,470 pesos multiply to 12 months ang total ay 17,640 pesos sa isang buwan. Kapag hindi mo nabayaran ito sa takdang panahon may dagdag na 1.5% kada buwan.
Dito pinapakita ang kawalan ng respeto sa mga OFW dahil una sa lahat hindi naman nagagamit yan ng karamihan sa mga OFW. Sa tagal ko ding nasa abroad kahit minsan ay hindi namin nagamit ang Phil Health na para sa aming mga OFW kaya bakit kami magbabayad ng nasabing premium samantalang meron naman kaming sariling health card sa aming bansang pinupuntahan.
Totoong kailangan ng bansa natin ang universal health care pero wag naman kuhain sa mga OFW. Nakakadismaya at hindi katanggap tanggap ang ginagawa ng gobyerno sa mga OFW.