Lumabas ang balita sa buong mundo na isinara ang pinaka malaking network sa Pilipinas. Ang ABS CBN kapamilya network, isa sa pinaka malaki at pinaka maraming artistang nagtatatrabaho. Ayon sa pamunuan ng ABS CBN sila ay umaabot sa 11,000 employees kasama na ang mga regulars at non regular staffs ng istasyon.
Ayon sa mga narinig at nalaman nating balita ang pangunahing dahilan kaya sila isinara ay kawalan ng prangkisa na mula sa kongreso ng Pilipinas.
Ang ayon order na inilabas nang NTC kailangan magkaroon ng prangkisa ang istasyon para muli silang makapag palabas ng mga shows. Kailangan din makuha nila iyon sa mababang kapulungan ng kongreso na siyang tuwirang magbibigay ng franchise.
Marami kasi ang dismayadong Pilipino sa ABS CBN dahil sa mga balita nilang hindi magaganda ang wordings lalo na ang mga headline na kagaya ng nasa ibaba.
Kung ako kasi ang inyong tatanungin! Halatang may pinaghuhugutang sama ng loob ang istasyon ito laban sa pamahalaan ni Pangulong Duterte. Hindi din lingid sa ating kaalaman ang tungkol sa kanilang mala tele seryang palabas na ang Probinsyano na patungkol sa isang pamahalaan. Maraming beses nang binatikos ang palabas na tila patungkol ito sa kasalukuyang pamahalaan. Timing na timing naman kasi ang kanilang ginawang pagpapalabas ng nasabing mini series.
Iba't ibang reaksyon ang bumungad sa atin sa unang araw ng kanilang pagsasara. May mga taong akala mo ay nawalan ng kaisipan dahil sa kanilang mga sinasabi. Kagaya na lang ng kay Kim Chui na akala mo ay nasa isang paaralan na pilit binabanggit ang salitang classroom. Isa pa itong si Agot Isidro na akala mo naman ay alam na niya ang buong katotohanan sa nilabag na batas ng kanyang kumpanya. Maging si Coco Martin ay hindi napigilan maglabas ng kanyang saloobin. Marami pang mga artista ang kanya kanya ng linya pero itong tatlong ito ang pinaka tumatak sa sambayanang Pilipino.
Marahil dala na lang siguro ng kanilang pagmamahal sa kanilang istasyon kaya nila nasabi ang mga iyon pero ang pinaka point dito ay ang Batas na umiiral sa ating bansa at iyon ang dahilan kaya isinira ang kanilang istasyon.
Kung baga sa driving, kailangan meron kang driving license bago ka pwedeng magpa takbo ng sasakyan. Ganun lang ka simple at wala ng iba pa. Kaya sa mga nag mamagaling manahimik na lang tayo para hindi na tayo dumagdag pa sa issue.
Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you....
God Bless