Saturday, April 18, 2020

Kapatid ni Secretary Bello III Punamaw Na

Photo: FB Catherine H. Bello

April 18, 2020

Nakakalungkot na balita na sinabi ni Secretary Silvestre Bello III na ang kanyang paboritong kapatid ay pumanaw na. Sinabi niya ito habang siya ay nasa live ng Laging handa briefing ng PTV 4 na host na si PCOO Secretary Martin Andanar at under Secretary Rocky Ignacio.

Sinabi din na kalihim na nakakarecover na ang kanyang kapatid sa contimation ng Covid19 at ito ay papagaling na. Subalit itong umaga ay nagulat na lang siya sa balitang pumanaw na ang kanyang kapatid.

Nakikiramay po ang buong sambayanan sa inyong pamilya Secretary Bello magpapakatatag po ang inyong pamilya sa pangyayaring ito.

Dito natin masasalamin na hindi ligtas maging ang mga may kapangyarihan sa gobyerno o maging ang mayayaman sa Covid19, Kaya pinapayuhan ang lahat na gawin ang nararapat na pag iingat sa virus na kumikitil ng maraming buhay ngayon.

Mag ingat po tayong lahat ang God Bless


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless