Sunday, April 19, 2020

Corona Virus Updates - Philippines April 19, 2020

Breaking News - Corona Updates
April 19, 2020/11:59pm
The Philippines

Pumalo na sa 6,259 ang infected sa corona virus, nadagdagan ng bagong kaso na 175 katao at mayroon tayong 12 katao na namatay

Ang daily death natin ay bahagyang bumaba at ito ay isang magandang balita para sa ating lahat. Maraming salamat sa lahat ng ating mga doktor at nurses dahil sa kanilang walang sawang pagmamahal sa ating mga kababayan na infected ng nasabing virus.

Dahil sa patuloy na nadaragdagan ng mga panibagong kaso, pinag aaralan ng gobyerno kung mag eextented tayo ng ECQ sa buong luzon at maging sa ibang lugar pagkatapos ng April 30, 2020.

Ang natitirang 10 araw ay napaka kritikal para sa ating lahat, kaya patuloy na nanawagan ang ating gobyerno na manatili tayo sa ating mga tahanan upang maiwasan ang paglaganap ng nakakamatay na sakit. Hindi matatapos ang epidemyang ito kung hind tayo makikipag-tulungan sa ating pamahalaan. 

Kaya STAY at HOME to Save LIFE....


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless