Tuesday, July 22, 2014

Pamilyadong OFW



Sabik na sabik akong dumalo sa bday ng aking kaibigan. Muli ay magkikita kami na halos 15 taong lumipas. Kamustahan doon, kamustahan dito, kwentuhan to the maxs ang naging kulitan namin. Andian yung alalahanin yung mga kalokohan lalo na yung mga diskarteng pang boys namin noon.


Gandang lalake ang tawag sa amin dahil karamihan sa mga classmate ko ay mga pogi. Ako lang ata ang hindi gwapo dahil walang nagkakagusto sa akin noon. Nakakahiya man sabihin dahil salat kami sa yaman parehas walang magandang kabuhayan ang aking magulang.

Tawanan ang nangyari sa aming lahat dahil miss na miss namin ang isa't isa halos hindi magkamayaw sa lokohan. Para kaming mga walang asawa at anak ng panahon na iyon dahil bumalik sa amin ang barkadang high school pa namin pinagsamahan. Nakakaiyak nga lang minsan kapag naalala namin na may pumanaw na isa sa amin. Minsan nga naaalala ko pa na may naligaw na landas sa aming magkakabarkada. Nalimutan namin siya dalawin sa kulungan dahil may mga iba't ibang prioridad sa buhay at sa aming mga pamilya. 

Naungakat din sa usapan namin ang mga iba't ibang plano nang barkada pero hindi na natuloy iyon dahil kahit isa naman sa amin ay walang mailalabas na puhunan para simulan ang plano. 
Marami din sa amin ang successful na sa buhay ngayon may mga negosyo at ang iba naman ay nasa abroad na rin katulad ko. Pero ang plano ng barkada ay nakabinbin pa rin hanggang sa ngayon.

Marami pa kaming pinag usapan  halos ayaw nga namin maghiwalay noong araw na iyon dahil minsan na lang kami magkasama ng buo ang tropa. Kahit ayaw mo pang umalis ay mapipilitan ka dahil kailangan mong umalis dahil sa tawag ng pamilya.Ganun na talaga ang pamilyadong tao kahit ayaw mo mapipilitan kang unahin ang pamilya dahil syempre iba na ang priority sa ngayon.

Mabigat sa kalooban ko ang umalis dahil nga sa sila ang mga kasama ko mula pa noong bata ako. Pero tumatawag na si kumander at pilit na niya akong pinapauwi dahil hinahanap na daw ako ng aking mga chikiting. Gustuhin ko man magpalipas ng gabi ay hindi na maaari dahil tiyak na hindi papayag ang mga anak ko na hindi ako katabi sa pagtulog.

Kumuha ako ng tyempo para makapag paalam sa kanila at nagkaroon naman ako ng pagkakataon Nagpaalam ako sa aking mga kababata, malungkot ang aking mukha habang lumilisan sa kanilang kasiyahan. Napag isip isip ko dati noong wala pa akong pamilya na halos abutin kami ng magdamag sa kalye at hindi maubusan ng kwento pero ngayon iba na.Mabuti nalang at marunong umintindi ang aking mga kababata. Nakapag paalam ako sa kanila.

"O sige na pare ko pasensya na sa inyo kailangan ko na umalis dahil gabi na at inaatay na ako ng mga chickiting ko sa bahay" - Sabi ko

"Ganyan ka naman ehhh, wala ng iba sa amin alam naman namin na mas priority mo ang family kaysa sa amin" sambit ng isa sa mga kababata ko

"Kayo talaga ganun lang talaga ang isang OFW na minsan lang magbakasyon konting oras lang ang nilalagi dito at balik na naman sa selda bilang isang OFW" sambit ko

"Okey lang yun brother, ang importante maayos mong napapalaki ang mga anak mo at higit sa lahat hindi kana babaero tulad ng dati" malakas na kantyaw ng isang kong kababata

Tawanan na naman ang bumalangkas ng mga oras na iyon.

"Mga tol salamat sa inyo kasi kahit paano ay naiintidihan ninyo ang sitwasyon ko" sambit ko muli

"Basta wag mo lang kalimutan ang pasalubong namin hehehehehe" Malakas na kantyaw na naman ng isa sa mga kababata ko..

"O sige paano kayo na bahalang maglipit ng mga kalat natin at drink moderately lang ahhhh" paalam ko sa kanila

Masaya akong lumisan sa dati naming lugar kung saan kami palagi nag-uusap magkakabarkada. Hndi ko akalain na ganun pa rin sila kakulit kausap at kasama samantalang ako ay halos seryoso na sa buhay. Nakakatawa lang kasi sa dami ba naman ng mga barkada ko ay parehas pa rin ang kulay na ipinapakita nila sa akin.

Habang pinapa andar ko ang motorsiklo na dala ko naisip ko ang sinabi ng aking ama noong nabubuhay pa siya.

"Pango wag mong kakalimutan balikan ang mga taong tumulong sayo para maging angat ka, bumalik at magpasalamat sa kanila" 'Wag  maging mayabang at matutong magpakumbaba kung kinakailangan" -Tatay bhoy

Pango kasi ang tawag sa akin ng aking ama noong buhay pa siya. Ang katagang iyon ang nagsilbing gabay sa akin sa paglaki. Palgi kong inaalala ang mga turo sa akin ng aking ama lalo na sa mga time na kailangan kong maging mahinahon.

Malapit na ako sa aming bahay at kailangan kong bumili ng pasalubong sa aking mga anak. Kaya huminto ako sa isang tindahan kung saan bumili akong isang box na dunkin donuts. Alam ko kasi na favorite nila iyon. Noong nasa pinas pa ako kapag may sobra akong pera bumibili ako ng donuts para pasalubong sa kanila.

Nakabalik ako nang maayos sa aming bahay. Sinalubong ako ng aking mga anak na mula sa mga oras na iyon ay gising pa at inaatay talaga ako.. Hinalikan ako ng aking mga anak at kinamusta ang lakad ko. Nakakatawang binanggit ng panganay kong anak na "Papa walang chicks ahhh". Nagkatinginan kaming mag asawa dahil ang kabataan ngayon ay mula't na sa mga bagay na tungkol sa kapaligiran lalo na kung makakaapekto sa kanilang pamilya.

Malakas kong sinabi sa aking anak "Wala ng chicks ang papa dahil nag iisa nalang si Mama mo sa mundo" sabay tawanan kaming lahat. Masaya akong natulog katabi ang mga anak kong minsan ko lang makatabi sa pagtulog sa loob ng isang taon.

-BuhayOFW-