Lapit na nating iwan ang taong 2013, ilang oras na lang at sasapit na tayo sa taong 2014. Marami akong dapat ipagpasalamat sa taong lumipas dahil marami akong natutunan na leksyon sa taong 2013.
Salamat sa lahat ng tulong na ginawa ng dakilang lumikha kahit na maraming problema ang nangyari naging matatag kami at lalong naging masaya.
Sabi sa akin ng aking anak noong time na kinausap niya ako.
"Papa wag na kayong mag aaway ni Mama kasi nalulungkot ako kapag nag aaway kayo, Bati na kayo please - AJ."
Nakakarelate na kasi siya sa mga nangyayari mag 7th years old na kasi siya. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman na mag kaaway kami ng Mama niya. Ang sagot pa naman sa akin.
"Kasi Papa lagi siya nakasimangot at laging galit pati nga ako pinapagalitan, Sinasabi ko nalang sa kanya. Mama wag ka mag aalala ako bahala kay Papa magbabati din kayo - AJ."
Natawa ako sa mga sinabi sa akin ng aking panganay na anak dahil sa tuwing hindi pala kami nagkakasundo ng aking asawa ay bugnutin si Misis hehehehe....
Mahilig kasi akong mag asar lalo na kapag nahohomesick ako dahil sa sobrang miss ko na sila. Kaya minsan nang aasar ako para may makulit lang pero ang totoo nagbibiro lang ako.
Salamat ng marami sa mga taong naging kaibigan ko, naging kaaway ko, naging katulong sa mga time na need ko ng help. Maraming salamat sa inyo!
Goodbye 2013 lalo na sa mga makukulit na ala-ala ng aking pamilya. Sa lungkot at saya alam ko na magkakasama pa rin tayo kahit nung mangyari andito lang si Papa.
Mahal na mahal ko kayo kaya palagi kayong mag iingat....
Ps. Love Papa Alex
Search
Popular Posts
-
Panatang Sambahayan Ang bawat pamilya na Iglesia ni Cristo ay tinuturaan nila ang kanila sambahayan na gawin ang panalangin panatang pangsam...
-
I cover the event of our UNITY GAME here in middle east. We are very excited playing basketball. I played one quarter with my fellow friends...
-
Congratulations to all casts and crews of Ritmo ng Pangarap from Ecclesiastical District of Batangas for winning the following catego...
-
Tamang Hinala - Ang katagang ito ay malimit natin nakikita sa mga taong makikitid ang utak. Sa mga bagay na madali siyang mapaniwala kahit w...
-
Hardees Super Star Burger I went to one of the shop of Hardees here in Qatar and eat one of their best selling burger in town...