http://www.gmanetwork.com/news/photo/28291/marginalized-consumers-protest-vs-meralco-power-rate-hikes |
Nagulat tayo sa biglaang pagtaas ng singil sa kuryente sa darating na buwan December 2013 - January-February-March 2014. Marami sa atin ang nagtatanong kung makatwiran po ba ang ginawa ng meralco ukol sa pagtaas ng singil na ito para matugunan ang kulang na pondo na ikinalulugi ng ahensya ng meralco dahil daw sa system lost. Pweeee....
Mahirap na nga ang pamumuhay ng ating mga mamamayan dinagdagan pa ng ganitong klaseng pahirap. Siguradong tataas na naman ang bilihin dahil kailangan ipasa din ng mga negosyante ang naging dagdag singil na ito sa kanilang negosyo.
Naiisip ko lang nakakaawa ang magiging karanasan ng ating mga anak kung patuloy pa rin ang ganitong klaseng sistema. Lalo na kung wala namang ginagawang aksyon ang ating pamahalaan. Inaalala ko tuloy kapag ganito pa rin ang sistema baka wala ng magandang kinabukasan sa ating lahat.
Pahirap na ng pahirap ang pamumuhay dahil sa walang kwentang pamamalakad sa ating lahat. Sa bawat paggastos natin ng pera na mula pa sa pinaghirapan ng ating katawan ay napupunta lang sa mga bayarin na kailangan nating bayaran. Simula ng ako'y nagkaisip hindi na nawala sa akin ang problema sa pagbabayad ng kuryente. Working student pa lamang ako noon ay katulong na ako ng aking mga magulang sa pagbabayad ng kuryente sa bahay. Maliit na nga lang ang kinikita ko noon sa fastfood chain ay pambayad lang sa kuryente namin sa bahay.
Ganito pa rin ba ang issue na kinakaharap ko bagaman matagal na akong nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakalungkot lang isipin dahil marami akong mahal sa buhay ang apektado nito. Nalaman ko na masyadong nagigipit ang sampu sa aking mga mahal sa buhay dahil sa taas ng kuryente at iba pang bayarin na kanilang binabayaran.
Nakakalungkot lang isipin na kahit ang pinakamataas na pinuno ng ating bansa ay walang magawa sa ganitong klaseng pahirap sa mga mamamayan. Kailangan pa nila humingi ng paliwanag sa ERC (Energy Regulatory Commission) kung papayagan ang gagawing pagtaas singil. Ito po ang link: eagle news
"Bakit po ganun lang ang kanilang reaksyon sa ginawa ng meralco"
Dati ayon sa history nagawa ni Presidente Marcos kontrolin ang meralco at ito ay sa pamunuan ng NAPOCOR kung saan ang Gobyerno ang may kapangyarihan dito. Ngunit bakit nawala na naman sa kapangyarihan ng gobyerno. Nakakalungkot isipin pero kayo na po ang bahalang magbasa ito po ang link: All about MERALCO
Sana naman ay magkaroon pa ng pagbabago sa sistema ng ating pamumuhay sa Pilipinas dahil bilang isang AMA ng tahanan natatakot ako sa posibleng mangyari sa aking mga anak sa darating na panahon kaya nagbabakasakali ako na magkaroon ng magandang buhay sa ibang sa bansa para na rin sa kanilang kinabukasan.
Pikit mata akong matutulog sa araw na ito at susubukan kong kinabukasan ay wala ang isang bangungot na balita na umalingasaw sa buong Pilipinas.
Pilipinas GOD BLESS YOU