Sino kaya ang tanga na sinasabi ng blog na ito? sa totoo lang ayoko sana patulan ang pinagsasabi ng isang napakabait na taong ito pero dahil halos nilahat niya ang pagbanat kaya tuloy sasagot ako bilang isang blogger na rin. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagtulong ng Iglesia sa mga kababayan nating kapus palad ay mga taong hindi maunawaan ang isang mensahe.
Hindi mo ba alam kung ilang milyong tao na ang nabiyayaan ng ganitong aktibidad libreng konsulta, libreng bunot ng ipin, libreng gamot at libreng pagkain pa. May nakita kana bang nagsagawa ng ganitong kalaking proyekto sa ating bansa. Wala ka talagang alam dahil hindi lang ito sa Pilipinas ginagawa, dahil naisagawa na rin ito ibang bansa.
Ang pagtulong sa kapwa ay hindi naghahangad ng anumang kapalit, ito ay bukal sa puso dahil kailangan mo nga tumulong sa nangangailangan. Ang ginawa ng Iglesia ay hindi pagpapakita ng pwersa o magyabang. Kung ano man ang nakamit nito ay dahil nagkaroon ng pagkakaisa ang lahat. Ito rin ay dahil sa pagtupad sa kautusan ng Diyos Ama na "Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag ibig mo sa iyong sarili" Roma 13 1-14 ng magandang balita. Basahin mo na rin ng buo para maintindihan mo ng maigi.
Nangdamay kapa ng halos buong kapuluan at naghahangad kang magpakitang gilas na tuturuan mo ang mga TANGA. Brother sa tingin ko gumagawa ka lang ng traffic sa blog mo para pag usapan ka. Hindi magandang traffic yan dahil ang ginawa mo ay isang un-professional.
Lahat tayo ay malayang maglabas ng saloobin pero dapat ginagamitan mo yan ng isang makabuluhang pagsusulat. Sana magkaroon ka ng respeto sa mga taong nakapaligid sayo. Mahusay kapa namang magsulat pero hindi mo naman ginagamit sa magandang paraan.
Nagbanta kapa na magsusulat kapa ng ibang dahilan para magawa mong sirain ang isa sa respetadong relihiyon ng bansa Magkakaiba man ang ating pananaw pero nirerespeto ko ang iyong saloobin. Sana ay muling mabuksan ang iyong pag iisip at mahanap mo ang tunay na kaligayahan sa iyong puso na hindi ka nananakit ng damdamin ng iba.
Pansinin mo na lang ang nangyayari sa ating bansa. Ang malalakas na buhos ng ulan, pagbaha sa mga lugar, panggugulo sa mga iba't ibang dako, malalakas na pagyanig ng lupa, at marami pang iba.
Sana inisip mong mabuti ang isinulat mo para naman mabago ang paniniwala mo na hindi TANGA ang magsagawa ng pagtulong sa kapwa. Sa dami ng nagagalit sayo malamang hindi kana nakakatulog na maayos at kulang na lang sayo ay isang lapis na nakatutok sa ulo mo. Kung tama ba ang mga sinusulat mo gumawa ka muna ng scratch paper at isipin mo ng mabuti kung Tama ba o Mali.
Brother! wish ko na maging maganda ang future mo sa blogging. Maraming salamat sayo kasi napakabait mong tao. Sana pagpalain ka ni Lord GOD dahil sa mga isinulat mo.