Nagdudurugo
ang aking puso sa isang balitang lumabas kamakailan lang tungkol sa
isang bata na hinampas ng kanyang sariling ama sa semento sa harap pa
mismo ng isang istasyon ng pulisya.
Hindi
ko na halos tinapos panoorin ang nasabing balita sapagkat hindi kaya ng
aking kalooban na malaman ang nangyari sa bata. Kaming mga OFW sa ibang
bansa at nag tatrabaho para sa kinabukasan ng aming mga anak. Masakit
sa kalooban na malaman ang ganitong klaseng pagmamaltrato sa mga bata.
Kahit
hindi ko kakilala ang nasabing bata ay hindi ko matiis sa aking sarili
ang panghinayang sa kinasapitan nito. Kahapon lamang ay nabalitaan kong
pumanaw na ang nasabing bata. Kinokondena ng BuhayOFW ang ganitong klaseng kalokohan na hindi dapat pamarisan.
Kung
sinasabing may sakit sa pag iisip ang nasabing Ama hindi ito dahilan
upang ipawalang sala siya ng hukuman. Baka maulit pa ito sa ibang bata
na mapag tripan niyang ihampas sa semento.
Ang
ganitong klaseng kaso kinakailangang na mabigat na parusa. Ikulong ang
salarin ayon sa sa ating batas katulad ng karaniwang inihahain sa mga
taong nakapatay ng tao. Malinaw na ito ay mabigat na kasalanan kahit pa
na mayroon siyang sakit sa pag iisip.
Mabulok
sana sa bilangguan ang taong ito upang hindi na pamarisan pa ng ibang
magulang na walang awa kung manakit sa kanilang mga anak. Kawawa lamang
ang mga kabataan na patuloy na nagdaranas ng pananakit sa kanilang mga
mahal sa buhay.