Ngayong araw June 25, 2013 ay hinirang ng emir ng Qatar Sheikh Hamad bin Khalifa al-Thani ang kanyang anak bilang bagong hari ng Qatar ang crown prince Sheikh Tamim bin Hamad al-Thani.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasalin ang kapangyarihan sa kanyang anak dito sa arab country na buhay pa ang kasalukuyang hari. Ito ay pambihirang pagkakataon lamang. Isang maikling speech ang kanyang sinabi live telecast sa Qatar at narito po ang ilang sa transcript ng kanyang talumpati.
Speech of Sheikh Hamad bin Khalifa al-Thani
"Thanks to all this, I recall the words of the fourth caliph, Ali bin Abi Taleb, may Allah be pleased with him, who said; "Teach your children other than that what you were taught; as they are created for a time other than yours."
"As I address you today: I declare that I will hand over the reins of power to Shaikh Tamim bin Hamad Al Thani, and I am fully certain that he is up to the responsibility and fulfilling the mission."
"My fellow Qataris; as I move to another position in serving my homeland and it's people, I hope to have faithfully discharged my duties and honestly fulfilled the responsibility in a manner that pleases GOD first; and to have lived up to the trust and confident you placed in me.
I acted and all the rightful deeds and achievements were by the grace and guidance of GOD; any slipup from me; and I hope those who will take the responsibility after me to learn from it."
From Al Jazeera: http://www.aljazeera.com
Alam kong ramdam ng mga kaibigan kong Qatari's ang kanilang pagmamahal at paghanga sa kanilang dating hari na walang man lang pag aalinlangan sa kanyang desisyon. Bihira lamang ang may namumuno sa isang bansa na may mabuting puso at laging iniisip ang kapakanan ng kanyang mga kababayan. Isa ito sa kahanga-hanga ang desisyon na kailanman ay hindi makakalimutan ng mga Qatari at alam kong malayo pa ang mararating ng bansang Qatar.
Nagpapasalamat na lang ako dahil saksi ako sa naganap na makasaysayang transition of Power dito sa Qatar. Isa ito sa hindi ko makakalimutang sandali dahil dito ako naabutang magtrabaho at makilala ang kanilang Hari.
Totoo napaka gandang manirahan dito sa Qatar dahil makikita mo ang displina at maayos na pamumuhay na aking nasasaksihan araw-araw. Kung pinalad lamang ako na madala ko ang aking pamilya dito na may malaking sweldo na offer ng kumpanya ay hindi ako magdadalawang isip na dalhin ang buo kong pamilya para masaksihan din nila kung gaano kaganda ang bansang Qatar.
Naalala ko pa nga ang artikulo na aking sinulat dati ng minsang bumisita ang hari ng Qatar sa ating bansa.
Nakakatuwang isipin na kahit paano ay nagkaroon ako ng pagkakataon na magkaroon ng isang sulatin sa Hari ng Qatar. Isang mabait at magaling na pinuno ng bansa ang aking naisulat.
Narito rin ang pagkakataon na binigyan siya ng magandang pagsalubong ng ating Pangulong Aquino na sa unang pagkakataon ay bumisita siya sa ating bansa panoorin po ninyo.