Monday, June 10, 2013

Little Poor Boy - Nakakaiyak naman



Nakakaiyak naman ang video na ito, Naaalala ko tuloy noong bata ako dahil sa kahirapan noon nagtitinda ako ng itlog sa palengke pang dagdag baon ko sa school. Kung hindi man itlog nagtitinda ako ng plastik sa mga namamalengke para meron silang lalagyan sa mga pinamili nila.

Ilang bata kaya ang ganito ang sitwasyon ngayon sa atin. Maraming kabataan ngayon ang hindi nakakapag aral dahil sa iba't ibang dahilan. Marami din akong kilalang kaibigan na hindi nila binibigyang importansya ang kanilang mga anak sa halip ay pilit nilang pinagtatrabaho ang kanilang mga anak para kumita ng pera.

Salamat sa gumawa ng documentary na ito kaya na ipost ko tuloy sa aking personal website. Upang magamit ko pang share sa ilang mga kaibigan para maintindihan nila na ang buhay ay hindi madali sa ngayon.

Maging responsable po sana tayong mga magulang upang hindi maranasan ng ating mga anak ang ganitong sitwasyon. Kawawa naman kasi ang mga anak natin kung sa unang hakbang palang nila ay kahirapan na agad ang kanilang nararanasan.