Thursday, July 24, 2025

President Trump and President Marcos Jr. Tariff Issue


July 23, 2025
White House - US

Matatandaan na naimbitahan si President Marcos sa white house upang pag usapan ang ilang mga mahahalagang ugnayan ng dalawang bansa. Nakita naman natin kung gaano kahalagaan ang ganitong pagkakataon sa bawat pinuno ng bansa. Ang maka usap ang presidente ng Amerika ng harapan upang magkaroon na usapin patungkol sa mga issue ng bawat bansa.

Base sa napanood natin lalo na ang tungkol sa usapang taripa na ipinataw ng Amerika sa ating bansa maging sa ibang bansa at may iba't ibang porsyento ng taripa. Kung ating titignan ang ibinigay ng kasunduan sa Amerika ay mukhang dehado ata tayo. Biruin mo ang ibinawas lang na porsyento ay 1% sa dating 20% na tarrif. Samantalang nakuha naman ang Amerika ang 0% Tarrif sa produkto ng Pilipinas.

Basahin natin ang isang lathain narito po ang link: https://www.reuters.com/world

Sa kanilang pag-uusap ay hindi na masyadong na detalye ang mga ibinigay subalit kung ang opinion ng karamihan ang ating tatanungin ay talagang lugi tayo sa kanilang usapan. Kahit naman saan daanin ang ganung deal ay pabor lahat sa Amerika na kung tutuusin ay matagal na natin silang kakampi sa lahat ng bagay. Hindi natin maaalis ang mga himutok ng mga apektadong traders at negosyante dahil sila naman ang unang apektado pero syempre damay pa din ang kabuuan ng mga Pilipino.

Sa aking pag tatanong sa aking mga kaibigan ay dismayado din sila sa naging usapan kaya minabuti kong tanungin ang isang AI generated Apps si CICI. Panoorin natin ang naging usapan namin si CICI upang kayo din naman ang magkaroon ng idea.


Click my Link to read: Artificial Intelegent CICI




Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless