A very quick vacation...
"Opportunity may come ONCE, grab it and make all the things happen even if you are in difficult situations. ALWAYS BE GREATFUL & THANKFUL...Si Alex ito MEN."
Maraming beses na ako umuwi ng Pilipinas pero ang pag uwi kong ito ang isa sa pinaka importanteng bakasyon na hinihiling ko AMA. Tatlo kasi silang nagtapos ng kanilang pag aaral sa kanikanilang baitang. Si Axcel at Leklek ay sabay na nag tapos ng Elementary schooling habang si Ate AJ naman ay nagtapos ng kanyang grade 12. Nakakatuwa dahil ang bakasyon kong ito ay totoong inaabangan nila dahil may nilaan akong pabuya sa kanilang mga achievements.
Kasabay din nito ay 18th birthday 🎂 ng aking panganay na anak.