Wednesday, April 23, 2025

Failure is the way to Success


"In every Failure happen, there will be a SUCCESS." -apflores03

Palagi ko iniisip ang katagang nasambit minsan sa akin ng Tatay Bhoy ko noong nabubuhay pa siya. Siguro mga 12 years old ata ako noong mga panahon na nasa ospital siya dahil sa operasyon niya sa tiyan. Actually malungkot nga kami noon dahil sa hindi namin alam kung paano namin siya maipapagamot dahil sa kakulangan sa pera noong panahon na iyon.

Maraming bagay na din akong pinagdaan patungkol sa mga pagkabigo sa buhay. Minsan na din ako ang pinanghinaan ng loob dahil sa napakahirap na sitwasyon. Kaya kapag nagkakaramdam ako ng pagkabigo palagi kong naiisip ang katagang minsan nasabi sa akin ng aking AMA. Sana nga nakita niya ako sa ngayon at sigurado akong ipagmamalaki niya kung ano man ako ngayon. 

Simple man ang buhay ko ngayon atleast kahit paano ay lumaban ako sa tamang direksyon. Maraming bagay na din akong nagawa para sa aking pamilya na kahit papaano ay maayos kami. Kaya salamat sa bilin Tatay Bhoy dahil diyan patuloy akong lumalaban kahit na napakahirap ng mabuhay ngayon panahon....

Ingat tayo palagi mga kaibigan at gawin natin palagi ang TAMA....❤️❤️❤️