Tuesday, April 23, 2024

HH Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani visit Philippines

C/O PCOGOVPH

April 22, 2024
Manila Philippines

Dinalaw ni HH Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani ang ating bansa ngayong araw Abril 21-22, 2024 kasama ang mga matataas na pinuno ng bansang Qatar. Pinalawig niya ang ugnayan ng bansang Pilipinas at Qatar ukol sa ekonomiya at iba pang usaping pang-bansa. Mahigit na 270,000 na mga Pilipino ang nasa bansang Qatar upang magtrabaho kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang bansang Qatar ang isa sa pinaka mayamang bansa sa buong mundo sa ngayon kaya marami ang gustong manirahan at magkaroon ng pagkakataon na makapag trabaho. 

C/O PCOGOVPH

Pinsalamatan ng AMIR ng Qatar ang bansang Pilipinas sa mga naiambag na mga Pilipino sa pagpapaunlad ng bansang Qatar. Karamihan kasi mga OFW na nanirahan sa bansang Qatar ay nasa ibang ibang sanghay ng gobyerno nagtatrabaho at marami din mga workers na mga Pilipino ang gumawa ng mga Building at kalsada ng Qatar.

C/O PCOGOVPH

Ang pagbista niya sa ating bansa ay isang napakahalaga pangyayari para sa mga Pilipinong nag tatrabaho sa bansang Qatar dahil ipinapakita dito ang magandang ugnayan ng bansang Pilipinas at Qatar. Mabuhay po sa ating butihing pangulong Bongbong Marcos sa magandang pagkakataon na ito at sana po ay mas maganda pa ang maging ugnayan ng Qatar at Pilipinas sa mga taong darating.


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless