Sunday, March 24, 2024

Table Official - awhistleoflife


Table Official

Naranasan muna bang umupong mag isa bilang table official? Ikaw ang may hawak ng timer, scoresheet at maging announcer. Diba napakahirap mag isa sa table official.

Maraming beses nangyayari ang ganitong scenario lalo na kung kulang kayo na referee sa isang liga at may mga mabibigat na labanan. 

Sa totoo lang hindi dapat nangyayari ang ganitong sitwasyon dahil sa isang pagkakamali lang ay buong game na ang maapektuhan. Sadyang may mga referees talaga na gamay nila ang table official subalit hindi pa din rason yun para sila mag isa sa table. Kasi makalingat ka lang at mamali mo ang isang scenario ay magkakagulo na yan.

Wag natin hayaan na mangyari ang ganitong sitwasyon dahil magkakaroon nang malaking suliranin yan sa grupo ninyo. Kahit gaano kagaling ang isang table official ay may mga pangyayari pa din na magkakamali lalo na King napaka intense ng laban. Siguruhin nating may makakasama para maiwasan ang pagkakamali.

Reminders lang po yan mga idol 😊 
#apflores03 #awhistleoflife