Monday, September 19, 2022

Vhong Navarro Case


September 19, 2022
Vhong Navarro Case

Napakaugong ngayon ang balita tungkol sa pagbubukas ng kaso patungkol kay Vhong Navarro. Napabalita na ang kasong kanyang kinahaharap ay kasong rape at act of lasciviousness. Na may pananagutan sa batas at walang piyasa para pansamantalang makalaya. 

Matatandaan natin na nakulong ang mga sangkot sa pagbubugbog sa kanya at nagkaroon ng napakalaking balita sa mundo ng showbiz industry. Marahil ay hindi sila tumigil para makakuha din ng hustisya para madiin din si Vhong Navarro sa kaso. Ang buong akala ni Vhong ay tapos na ang kaso dahil halos ilan taon na rin ang nakalipas. Ngunit ngayon ay muli na namang nabuhay at siya pa ngayon ang makukulong.

Nakakalungkot lang dahil ang mga ganitong pangyayari ay maaari naman nating maiwasan kung tayo ay may tunay na pagmamahal sa ating pamilya. Kung iniisip nating mabuti ang mga ginagawa natin ay marahil ay hindi na hahantong pa sa ganitong pangyayari. Marami din akong kakilala na halos ganito ang nangyari sa kanilang buhay. Nakakalungkot dahil apektado ang kanilang mga pamilya at nahahatong pa sa hiwalayan.

Sana ay maging big lesson ito sa lahat ng may mga asawa na at mahilig sa mga ganitong sitwasyon. Isipin nating mabuti bago tayo gumawa ng mga ikakapahamak natin at ng ating pamilya.

Magandang gabi sa ating lahat...