Ang Edsa Revolution na nangyari sa ating bansa ay isang laban na naganap sa kalsada noong taong 1986. Buhay na ang aking isip ng panahon na ito dahil ako po ay 7 taong gulang na at kasalukuyang nag aaral ng elementarya sa Jose Rizal Elementary School sa Pasay City. Naalala ko pa nga noon ang lipad ng mga helicopter sa himpapawid dahil malapit lang halos kami sa Villamor Airbase. Sa pagkakatanda ko noon napakaraming tao sa Edsa at may nagaganap na rally sa kalsada para patalsikin si Presidente Marcos sa kanyang posisyon.
Tandang tanda ko din dati na galit na galit ang mga tao noon dahil sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos. Sinasabi ng ilan na sobrang hirap daw ang buhay dahil mataas ang bilihin, korapsyon sa gobyerno at pang aabuso na nagaganap sa mga tao. Kaya ang mga tao ay pilit na nilalabanan nila ang gobyerno dahil sawa na sila sa pamamalakad ni Pangulong Marcos.
Pero sa katotohanan lang noong panahon na ito ay napakamura ng bilihin namin noon tandang tanda ko pa nga na kapag may baon ako sa school na 5 piso ay napakadami na ako nabibili sa tray ng aking titser. Libre pa ang pagkain namin dahil may nutri bun na galing sa school. Minsan nga pipila pa kami sa labas para kumain ng champorado or lugaw na gawa ng school at may tinapay pang kasama.
Noong binabalita sa Radyo at Telebisyon ang pagkubkob ng rayelista sa Malakanyang ay galit na galit ang aking Tatay Boy dahil sinabi niya sa akin noon na hindi naman daw masama si Pangulong Ferdinand Marcos kundi ang mga taong nasa likod niya ang sumisira sa Gobyerno. Marami ang galit kay Marcos dahil sa mga maling balita at paratang na kumakalat. Ang isa pang dahilan ay mga pang aabuso sa karapatang pang tao kaya sila galit kay Marcos. Pero kung ating babalikan ang dahilan ng Martial Law ito ay dahil sa tumataas na banta ng seguridad sa buong bansa. Tumataas ang bilang ng mga lumalaban sa gobyerno dahil marami na ang miyembro ng CPP NPA noon at ilang may mga grupo na pilit na pinapabagsak ang gobyerno noon. Maraming bagay pa akong naalala dahil buhay na aking isip at naalala ko pa hanggang ngayon.
Nang panahon na pilit na pinanumpa si Corazon Aquino bilang Presidente ng Pilipinas kahit na ang totoong nanalo noon sa Snap Election ay Pangulong Marcos na halos sabay silang dalawa nanumpa ay aking ding nasaksihan. Doon din nagsimulang gumulo lalo ang bansang Pilipinas at simula nang magkalasan ang mga taga suporta ni Presidente Marcos. Kaya habang nagkakagulo ang mga tao sa lansangan ay napilitang umalis na sa Malakanyang Palace ang pamilyang Marcos para hindi na dumanak ang dugo dahil ang order niya sa buong sandatahang lakas ay peacefully na makontrol ang mga tao. Dahil sa mahal na mahal niya ang mamamayan higit pa sa kanyang pagiging Pangulo ay nilisan niya ang Malakanyang para maging payapa ang nangyayaring kaguluhan.
Marami ang natuwa dahil ang akala nila ay katapusanan na ng paghihirap ng mamamayan noon dahil napatalsik na si Pangulong Marcos. Pero ang katotohanan ay simula ito ng mas mahirap pa na kalagayan ng mamamayan. Biglang bumulusok ang pagtaas ng bilihin at marami din ang pag aari ng gobyerno ang binalik sa mga kaalyado ni Corazon Aquino. Tumaas bigla ang pamasahe sa Jeep dahil sa pagbulusok na pagtaas ng petrolyo. Halos lahat ata ng bilihin noon ay nagsimulang magtaasan dahil sa pamumuno ni Corazon Aquino sa Pilipinas. Napakaraming kudeta din ang nangyari sa kapanahunan ni Presidente Aquino.
Kaya yung mga history na nakasulat sa libro na tungkol sa Edsa Revolution ay may mga lamat na hindi dapat natin paniwalaan basta basta. Maging mapanuri po tayo alamin ang katotohanan at wag sumang ayon agad kung hindi naman talaga ito katotohanan. Ang masasabi ko noong panahon ng Edsa Revolution ay isang bangungot sa bansang Pilipinas na marami ang napaniwala na magiging mabuti ang kalagayan ng mamamayan pero ang katotohanan ay simula ito ng paghihirap ng buong sambayanang Pilipinas.
Yan po ang konting story na naranasan ko noong panahon ng Edsa Revolution kaya ko binahagi ay para malaman ninyo na hindi masama ang pagdedeklara ng Martial Law noon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Do some research sa mga taong nabubuhay noong panahon na iyon bago kayo maniwala sa mga history na sinulat ng mga taong galit sa mga Marcoses.