Nakakatuwang balita ang bumungad sa akin ngayong araw ng makita ko sa mga balita na ibinasura ng Comelec first and second division ang kaso ng disqualification case para kay Bong Bong Marcos.
Isa ako sa batang 80-90s na nagkaisip at kahit paano ay naranasan ang buhay ng pamamahala ng kanyang AMA na si Late President Ferdinand Marcos. Naalala ko pa nga noon na maganda ang buhay dahil sa mataas ang value ng peso kontra sa dollar. Kaya ang mga bilihin ay hindi gaanong mataas. Unlike nang nawala na sila sa pwesto ay doon lalong tumaas ang mga bilihin at pinagbebenta ang ari arian ng gobyerno.
Masaya ako dahil kahit paano ay lalabang muli ang pambato ng Ilocos Region sa panguluhan ng bansa. Sana ay palarin ang anak ni APO Lakay Marcos sa darating na halalan upang magkaroon ng magandang laban ang bansang Pilipinas. Buhay pa at malakas ang kanyang INA na si Imelda Marcos na sa huling sandali ng kanyang buhay ay matutupad ang last will ng kanyang asawa. Sana magkaroon ng magandang pagkakataon na manalo ang kanyang anak upang wakasan na ang 30 taong pagyurak sa kanilang pangalan ng mga kalaban sa pulitika.
Masaya malamang ang tatay bhoy ko nito kung nabubuhay pa siya ngayon. Sana maging maayos na ang ating bansa at magkaisa lahat ng mga mamamayang Pilipino sa isang adhikain.
Antayin na lang natin ang mga susunod na kabanata sa mga darating araw...keep safe everyone ang God Bless