Source: PTV
Isang nakakagulat na balita ang ating natunghayan sa araw na ito sa pagdidiriwang ng Andres Bonifacio Day nang bilang mag back out si Senator Bong Go bilang kandidato sa pagkapangulo para sa halalan 2022. Sa isang biglaang press conference ay kanyang binanggit na alang alang sa hiling ng kanyang pamilya ay hindi na siya tatakbo bilang kandidato sa pagkapangulo ng bansa.
"Ayaw rin talaga ng aking pamilya kaya naisip ko na siguro ay hindi ko pa panahon sa ngayon. Diyos lang ang nakakaalam kung kailan ang tamang panahon" ayon kay Senator Bong GO.
Totoong napakahirap ang kanyang pinagdadaanan sapagkat ang taong gusto siya tumakbo ay si Pangulong Duterte pero dahil sa pagmamahal din niya sa kanyang pamilya ay nagdesisyon siya na umatras na sa karera ng panguluhan ng bansa.
"Ayaw ko ring maipit si Pangulong Duterte higit pa sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya, matanda na po siya at marami na rin siya naibigay para sa bayan. Ayaw ko na pong dagdagan pa ang kanyang problema. Nananatili akong tapat sa kanya at nangako akong sasamahan ko po siya habang buhay." dagdag pa ng Senador
Ang kanyang talumpati ay natunghayan sa pagdiriwang ng araw ni Andres Bonifacio Day sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City na isa siya naging pangunahing bisita sa naturang okasyon.
Sa ngayon sino na kaya ang susuportahan ng administrasyon ngayong umatras na si Senator Bong GO. Nakaka excite talaga ang 2022 election sa Pilipinas at siguradong kaabang abang ang magiging pahayag ni Pangulong Duterte kung sino nga ba ang kanyang magiging manok sa taong 2022.
Kaabang abang talaga...