Friday, April 3, 2020

Philippine Arena set to be a mega quarantine for Covid 19 patients

Philippine Arena Bulacan
Tuwang tuwa ang aking kalooban ng malaman ko na handang tumulong ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo para maging mega quarantine ang Philippines Arena sa Bulacan. 

Ito ang iniisip ko dati na dapat gawin ng gobyerno para hindi na lalo pang lumaganap ang nakakamatay na sakit Covid19. Kung ito ay mangyayari malaki ang maitutulong nito dahil maiipon sa isang lugar ang lahat ng may sakit. Mapag tutuuan ng malaking atensyon dahil iisa lamang ang sakit na kanilang gagamutin. 

Magiging ligtas din ang lahat ng nurses at doktor dahil may malaking lugar silang magagalawan. Magkakaroon ng tamang proseso upang makontrol ang pagkahawa hawa ng mga tao. 

Nais nating lahat na matapos na ang epidemyang ito para makabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat tao. Kaya kaisa ang lahat ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa laban na ito. 

Link from Eagle News