Friday, February 15, 2019

Himpapawid ng Kalawakan


Pangarap ng bawat Pilipino ang makarating ng ibang bansa. Ganito ka rin ba tuwing ikaw ay nasa bintana ng Airplane? kumuha ng larawan sa labas ng eroplano. Nakakatuwang pagmasdan kapag nasa bintana ka ng airplane kasi kitang kita mo ang buong kalawakan. Dati noong hindi pa ako nakakasakay ng eroplano panay ang tanong ko dati na ano bang klase ang kalawakan. Kaya noong unang sakay ko pa lamang ng eroplano ay nag request agad ako na sa bintana ako uupo. 

Matagal tagal na siguro ako makakasakay ng Airplane dahil ang destinasyon ay Pilipinas na.
Nagdesisyon akong umuwi ng Pilipinas dahil sa mas pinili ko ang Pamilya kaysa sa perang kikitain. Mahigit 9 na taon akong OFW, kahit paano ay nakapagpundar din na maliit na bahay at mga sasakyan. Mabuti na lang at magaling ang aking asawa humawak ng pera kaya may napuntahan ang 9 na taong kong pag aabroad.


Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless