Monday, April 23, 2018

Baybay Southern Leyte - Visaya Escapade

 

Ito yung probinsya na nais kong mapuntahan dahil dito pinanganak ang aking ina na si  Elizabeth Pendejito Paterno - Flores (nanay Beth). Sana lang ay matupad ko ang isa sa pangako ko sa aking ina na pupuntahan ko yung lugar na gusto niyang balikan. Namatay ang aking ina na hindi na nakabalik pa sa kanyang bayan. Sinama daw kasi siya ng kanyang nakakatandang kapatid at nakipag sapalaran sa Manila. Mula noon ay hindi na siya nakabalik pa hanggang sa siya ay pumanaw na.

Palagi niya sa akin kinukwento dati na may pag aari daw ang kanyang Ama na si Paulino Paterno (ito lang yung pagkakatanda ko na pangalan niya) at ang kanyang ina ay si Feliciana Pendegito na may 7 luna o ektraya na lupain sa may Baybay at Maasin Leyte. Ang ilan sa mga pangalan ng kanyang kapatid na naaalala ko ay Auntie Bening, Uncle Erning at Auntie Lita Paterno hindi ko na matandaan ang iba. Ang iba sa kanila ay napunta sa bohol, Bicol at hindi ko na alam kung saan pa.

Sana lang ay may pagkakataon na malaman ko ang history ng kanyang pamilya. Nais kong puntahan ang lugar na iyon upang bisitahin at magbakasali na may natitira pang kamag anak ang aking Nanay Beth.


Halos isang araw na tuloy tuloy na bihaye papunta sa Leyte ang babagtasin namin para makarating sa lugar na iyon. halos 1,000 kilometro ang layo. Kakayanin ko kayang marakating doon gamit ang aming sasakyan. Gusto ko kasi libutin ang lugar at hanapin kung may natitira pang kamag anak ang aking ina.

Sa darating na 2019 ang plano kung makukuha namin ang lahat ng dokumento na kailangan namin upang matrace namin ang lugar na kung saan siya pinanganak. Kung may kakilala kayong Pendegito - Paterno Clan ay ipagbigay alam po ninyo sa akin sa email: apflores03@gmail.com.

Salamat po ng marami
Alex Paterno Flores

Thank you for visiting my Blog to express my way of communication to all of you.... God Bless