AFP Philippines - Isang pagpupugay sa kabayanihan ng ating mga sundalo. Sa tulong nila napatay ng ating sundalo ang mga teroristang Maute-ISIS na nasa Marawi City. Ang kanilang pagsasakripisyo ay tunay na kabayanihan para sa ating bayan. Maraming sugatang sundalo ang nagpapagaling pa din sa ospital at maraming pamilyang sundalo ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa labanang ito. Ang kanilang pagsasakripisyo ay hindi matatawaran dahil buhay ang kanilang itinaya para lamang makamit ng ating bayan ang kapayapaan sa Mindanao.
Sana ay maging payapa na muli ang Marawi at karatig na probinsya. Sana ay maging maayos na rin ang lugar ng bakbakan. Sana ay magtulong tulong ang bawat Pilipino na maayos ang lugar na ito para naman sa mga kababayan nating muslim na nakatira doon. Hanggad nating lahat na maging matagumpay ang gobyerno sa kanilang mga adhikain sa Pilipinas.
Panoorin natin ang video na ito...
Link: https://www.facebook.com/presidentialcom
Muli po ay salamat sa ating kasundaluhan sa kanilang pagpapagal para makamit ng mga taga Marawi ang kalayaan sa kamay ng mga terorista. Salute sa lahat ng mga sundalo, pulis at volunteer na patuloy na naglilingkod sa ating bayan. Salamat din sa ating pangulo ng bansa na si President Rodrigo Roa Duterte dahil sa kanya ay namatay na ang mga masasamang terorista na nasa Pilipinas.
Magtulong tulong sana ang lahat ng mga Pilipino upang makabangon muli ang Marawi at maging maayos na sana ang kanilang pamumuhay.
Search
Popular Posts
-
(Photo Grab from Ate Chai) Unity Game 2014 - Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na mapapabilang ako sa isang basketball team kasama a...
-
August 12, 2025 Bajo de Masinloc Ang Pilipinas ay pinalilibutan ng karagatan na binubuo ng mga pulo kung saan halos 110 milyong katao na ang...
-
June 10, 2025 NAIA Terminal 1 3:30am Pamamaalam sa Pamilya, yan ang palagi naming ginagawa sa huli namin pagkikita tuwing babalik na ako sa ...
-
I cover the event of our UNITY GAME here in middle east. We are very excited playing basketball. I played one quarter with my fellow friends...
-
August 28, 2025 Leklek Birthday Masaya ang aking anak na si Leklek sa pagsapit ng kanyang 17th Birthday dahil bago pa sumapit an...