Sino nga ba si Benigno Ninoy Aquino Jr.?
Bakit ba natin laging inaalala ang kanyang pagkamatay. Totoo bang naging hero siya ng ating bansa o naging daan lang para lalong magkagulo ang Pilipinas. Ang daming tanong nag umiikot sa aking isip? hindi ko din matanggap na siya ay isang bayani. Pede ba nating alisin ang kanyang pangalan sa ating paliparan at maging sa ating 500 bills.
Maliit pa lang ako noon ay tumatak na sa aking isip ang Martial Law, pumapasok ako bilang kinder garden sa Jose Rizal Elementary School sa Pasay City. Maaga kasi ako nag aral dahil gusto ko nang pumasok sa school. Noong panahon na iyon ay narinig ko sa mga balita na pinatay daw si Ninoy Aquino sa Airport. Maraming balita ang lumabas subalit isa lang ang sinisisi sa kanyang pagkamatay.
Kung ating babalikan ang pangyayari hindi ako naniniwala na si Presidente Marcos ang utak sa kanyang pagkamatay. Sa totoo lang ay Death Sentence na ang hatol kay Ninoy Aquino sa salang rebelyon. Si Pangulong Marcos lang ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong mabuhay pa ng matagal sa pag grant ng kanyang petisyon papuntang US.
Nakakainis lang kasi na pilit nilang pinapalabas na masama ang mga Marcoses dahil sa Martial Law issue. Kung ating tatanungin ang ating mga magulang karamihan sa kanila magsasabi na mas maayos pa ang kanilang pamumuhay noon kumpara sa panahon ng dalawang Aquino na naging pangulo ng bansa.
Sa dalawang Aquino na pamahalaan hindi natin nakita ang pagbabago ng Pilipinas. Mas lalong tumaas pa ngang tumaas ang bilihin at mas tumaas ang kriminalidad sa kanilang panunungkulan.
Noong panahon ni Corazon Aquino ay kabi kabila ang kudeta marami din ang nag aklasan sundalo at mga kawani ng gobyerno. Sa madaling salita mas lalong gumuho ang Pilipinas sa kanilang panunungkulan.
Nitong nakaraang administrasyon ni Pnoy walang din progreso, ang mga pangako niya ay napako lang. Wala din nangyari sa kanyang panunungkulan, karamihan pa ay naging pabor sa mga mayayamang negosyante. Paano natin masasabi na may nagawa silang mabuti para sa bansa. Para sa akin walang pagbabago para sa mga ordinaryong Pilipino. Nawalan na ako ng tiwala sa kanilang pamumuno dahil halos dalawang termino ng kanilang panunungkulan ay hindi nila naresolba maski ang pagkamatay ni Benigno Ninoy Aquino Jr.
Ang tanong naniniwala kaba na si Benigno Aquino ay isang bayani?
Ang tanong naniniwala kaba na si Benigno Aquino ay isang bayani?