Grab at Uber Transport Service
Ayon sa Balita huhulihin na daw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng (TNVS) Grab at Uber simula sa Hulyo 26, 2017, kapag walang sapat na dokumento ang kanilang pagpapasada. Ayon sa tagapagsalita ng LTFRB ang mga driver na mahuhuli ay pagmumultahin ng 120,000 pesos at kailangan iwanan nilang ang kanilang sasakyan ng 3 buwan sa impounding area. Kailangan kumpleto sa dokumento ang isang driver upang makapasada ito.
Kamakailan lang ay pinag multa ng tig 5 milyon ang Grab at Uber dahil sa pag amin nito na wala silang prangkisa sa pag ooperate. Sa ngayon minamadali nila ang mga aplikasyon ng mga driver/operator na wala pang sapat dokumento para makapasada at maisawasan ang pagkakahuli ng kanilang sasakyan.
Ano nga ba ang kagandahan ng UBER at GRAB sa mga karaniwang Taxi?
Maaari po tayong mag bigay ng komento upang malamang natin ang ating saloobin patungkol sa nasabing transport group na Uber at Grab.