Monday, July 21, 2014

Ciudad de Victoria - Philippine Arena

Doha - Qatar
Masayang masaya ang ating kalooban habang napapanood natin ang pagbubukas ng Ciudad de Victoria o Lugar ng Tagumpay at ang Philippine Arena sa Bulacan. Alam natin na marami ang natutuwa lalo na ang kabilang sa kapatirang Iglesia ni Cristo dahil sa tagumpay na ito.

Ang lahat ng ito ay gawa ng dakilang lumikha sa pamamagitan ng kanyang mga tuwid na alagad sa pangunguna ng tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia. Hindi kailaman kailangan magmapuri ang sinoman dahil ang bawat hakbang na ito ay nagmumula sa matalinong pasya. Lubos kaming humahanga sa mga ministrong nangunguna katulong ng ating tagapamahala upang maisakatuparan ang tagumpay na ito.

Alam ko sa aking sarili, kasama aking buong sambahayan kung bakit kasama kami sa milyong katao na masayang masaya sa pagkakataon na ito. Ang karapatan na ibinigay sa amin at maging bahagi ng 100th years ng Iglesia ni Cristo ay isang kayamanang  hindi kailaman  maaaring palitan at kuhain ng sinoman.

Panooroin po natin ang makasaysayang pagbubukas ng Cuidad de Victoria - Philippine Arena.
Narito din po ang kumpletong speech ng ating Pangulong Benigno Aquino III