Wednesday, July 30, 2014

Ang ika-limang state of the nation address ni Pangulong Benigno Aquino III



Pinakinggan at binasa ko ang ika limang SONA ng pangulo sa Official Gazette official website ng gobyerno. Hindi ako maka Pnoy o anti Pnoy na mamamayan isa lamang akong ordinaryong tao na nagmamasid at nakikinig sa mga balita at nangyayari sa ating bayan.

Sa mga SONA ng pangulo na narinig natin noong nakaraang mga taon at administration. Para sa akin ito ang pinaka maliwanag sa mga narinig ko. Sa mahigit na isang oras na kanyang talumpati ay binalikan niya ang mga proyekto nang kanyang administrasyon na patuloy na nangyayari sa atin bansa.

Narinig at nakita natin ang mga pagbabago sa ating ekonomiya at maging sa ating bansa. Alam ko at alam nating lahat na hindi ganun kadali maging Ama ng Bansa (Presidente ng Pilipinas). Ang bawat hakbang ng ama ay hakbang din ng kanyang mga anak para sa kabutihan ng lahat. Sa kanyang talumpati mas marami tayong nalaman at nakita na mas positibo para sa bansa. Ang patuloy na pakikibaka ng mga mamamayang pilipino sa kahirapan.

Wala naman sigurong ama na gusto mapariwa ang kanyang mga anak. Ang pangangailangan ng anak ay gustong gusto talaga maibigay ng isang ama, ngunit paano ba magagawa ng isang ama ang lahat kung wala namang tiwala at suporta ang mga anak. Ang negatibong mga balita at pag aaklas laban sa ama ang siyang nagiging dahilan kung bakit hindi natutugunan ang mga pangangailan. Nagkakaroon ng maling impormasyon imbis na na tamang impormasyon.

Mahigit isang oras ko pinakinggan ang kanyang talumpati at isang oras ko din binasa ang kanyang transcript mula sa website. Dito  ko naisip na bakit ba marami pa rin ang nagiging negatibo sa mga hakbang ni Pnoy samantalang puro sa kabutihan ng mamamayan ang nais niyang ipinanunukala. 

Sa totoo lang OFW ako at umalis ng bansa para matugunan ang pangangailan ng aking pamilya. Kahit hirap at malungkot ang buhay naming pamilya ay tinitiis namin alang alang sa aming mga anak. Mahirap ang tungkulin ng isang ama sa kanyang pamilya kaya dapat lang na sundin ng anak ang mga utos ng kanyang ama para sa ikakabuti nito.

Totoong walang nabanggit ang pangulo patungkol sa OFW pero kung tutuusin hindi na natin kailangan sumali pa sa mga issue na hindi tayo kasama sa mga prioridad niya sa SONA.  Kaya nga naglagay siya ng punong embahador sa bawat bansa para malaman niya ang mga nangyayari sa ating lahat. Kaya sana hindi na tayo dapat pang humalo sa mga OFW na nag iingay para sabihing hindi tayo kasama ng mga programa niya.

Kinakalaban niya ang korapsyon at tinatanggal niya sa serbisyo kahit na ang isa sa pinakamataas na posisyon ng kanyang nasasakupan. Ang due process of law ay umiiral sa kanyang panunungkulan at ipinapaalam sa atin ang kahihinatnan nito. Ang tuwid na daan ay umiiral na dahil sa kanyang ambisyon na mapabuti ang mamamayang pilipino.

Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa nating permanente sa gabay ng panginoon. Hangga't buo ang ating pananalig at tiwala, at hangga't nagsisilbi tayong lakas ng isa't isa, patuloy nating mapapatunayan na " the Filipino is worth dying for" " the Filipino is worth living for" at idadagdag ko naman po."The Filipino is definitely worth fighting for" - President Benigno Aquino III

Subukan din ninyo basahin at panooring ang nilalaman ng kanyang ika-limang SONA at kayo na po ang bahalang humusga.



Ito po ang link: http://www.gov.ph (Burado na sa Official Gazette)