Manila - Mula sa mga oras na ito ay hindi ko pa rin nakakausap ang aking mga iina sa Taguig dulot ng malakas na bagyong Glenda na sumalanta ngayon sa Pilipinas.
Marami pala ang walang kuryente dahil marami ang nabuwal na poste ng meralco kaya walang kuryente sa maraming lungsod. Marami din ang naapektuhan nang nasabing bagyo dahil nasira ang kanilang mga ari arian.
Wala na rin daw pasok sa mga pampublikong paaralan mula sa antas ng elementarya at high school. Salamat na lang at hindi papasok ang aking mga anak sa eskwela.
Habang pinapanood ko ang mga balita na mula sa internet ay hindi ako mapakali dahil alam ko na isa ang Taguig sa mga madaling bahain at mawalan ng kuryente. Kaya sa maghapong pagawa ko sa aming opisina ay hindi maalis sa akin ang mag alala.
Inaalala ko baka baka hindi din sila nakatulog na maayos at hindi makalabas ng bahay dahil sa baha o madaming bumagsak na puno sa aming lugar. Ilang bagyo na ba ang aking naranasan sa Pilipinas pero ito ata ang bagyong nakakatakot talaga dahil isa ang metro manila sa naapektuhan na dito malaki ang bilang ng populasyon.
Sana lang ay walang masamang nangyari sa kanila at ligtas sila sa anumang kapahamakan na gawa ng bagyo.
Nakalabas na nang area of responsibility ang bagyong Glenda ngunit ayon sa balita ay may parating na namang bagong bagyo Kaya nakakatakot na naman dahil baka kasing lakas ito ni Glenda.
Sana lang ay may nakahandang pagkain sa aming bahay para hindi magutom ang aking mga anak at aking asawa. Grabe parang akong nawalan ng isang mata at tenga dahil hindi ko sila nakikita at naririnig. Kelan ba kasi magkakakuryete? ang tagal naman......
Mag pray po tayong lahat lalo sa ating mga pamilya na wala pa rin tayong komunikasyon. Sana lang ay nasa mabuti silang kalagayan.
#bagyongglenda #prayforthevictim #ilovepinas #ilovemyfamily
Video source: 24oras GMA news