"Don't judge unless you don't know the whole story"
Lahat po tayo ay may pagkakataon na pumasok sa bahay sambahan o kapilya para manalangin at humingi ng saklolo. Hindi naman pinagdadamot ito sa mga taong sumasampalataya sa ating Diyos AMA. Subukan po ninyong alamin kung anung hiwaga ang bumabalot sa aming mga bahay sambahan at nananatili po itong matatag para kayo na po ang bahalang magsalita ukol dito.
Wala naman po kaming hangad na magmalaki dahil sa kabila nangyaring bagyo ay nakatayo pa rin ang aming bahay sambahan na wala man lang malaking pinsala ayon na rin sa larawang ito. Nakakagulat sa totoo lang dahil halos lahat ng bahay doon ay napinsala bukod tangi ang aming kapilya na bahagyang nadumihan dahil na rin sa pagragasa ng bagyo.
Ipinaalala ng larawang ito na may Diyos Ama na nagliligtas sa Iglesia. Maraming bahay sambahan pa ang naapektuhan subalit hindi naman ito napinsala ng malaki kaya sa konting linis lamang ay maayos na ulit ang mga ito. Maraming mga kaanib sa lugar na iyan ang naapektuhan kabilang na ang aming mga kamag anak at kaibigan subalit buo pa rin ang pagsampalataya na pagsubok lamang ito sa kanilang katatagan para manatiling masigla sa pagsamba at paglilingkod sa AMA.
Sa mga lumabas na balita tungkol sa hindi daw po pagtulong ng Iglesia sa mga nasalanta, maging ang hindi po pag papasok sa ilan. Nagkakamali po kayo bawat isa amin at naghahangad na tumulong sa lahat kahit sila pa ay hindi namin kapananampalataya. Katunayan po bago pa lang po pumasok sa ating bansa ang pinakamalakas na bagyong Yolanda ay nagsagawa na po ng pagpaalala sa lahat ng aming kaanib sa tulong po ng mga may tungkulin ng aming bawat lokal na magsagawa ng pansariling panalangin. Ang iba po ay hinikayat na magtungo sa aming bahay sambahan upang doon manatili para sa kanilang ikaliligtas at malayo sa anumang panganib habang nagaganap ang delubyong gawa ng kalamidad.
Hindi po nagkulang ang aming pamunuan sa pagpapaalala sa lahat ng aming kaanib bagkus ay gumawa pa kami ng mga paraan para may madalang kahit hindi namin kaanib sa loob ng aming kapilya. Sa mga nagtangkang pumasok at hindi nakapasok ayon sa mga kumakalat na balita sa internet ang lahat ng iyan ay may dahilan. Marahil ay puno na ang gusali o hindi na po kayang magpapasok sapagkat nais ng pamunuan na masigurong ligtas ang lahat ng kanilang mga kinupkop.
Ang bawat gusali ng aming sambahan ay may mga itinalagang security sa pangunguna ng mga SCAN at kung anuman po ang kanilang pasya ay iginagalang ng bawat isa amin dahil sila po ay may iniingatan ding tungkulin na dapat nilang gampanan.
Sa totoo lang po kapag dumadating ang katulad ng ganitong pangyayari ito po ay aming pinaghahandaan, Kailangan po ipaalala ng mga may tungkulin kaya nagsasagawa po minsan ng pagdadalaw sa mga aming mga kaanib ng sa ganun po ay mapaghandaan ang anumang peligro na mangyayari.
Kung ako naman po ang magtatanong sa inyo kaya po bang ipagdamot ng aming samahan ang pagtulong sa kapwa? Marahil hindi lang po nagkaintindihan ang bawat isa sapagkat sa pagkakataong iyon ay huli na ang lahat para tumulong. Kung ang kwento nga sa bibliya tungkol sa malaking barko na gawa ni Noe marami ang hindi naniwala noon na may magaganap na malaking baha kaya marami ang namatay sa tingin po ba ninyo nagkataon lang po ito. Tayo po ay may kanya kanyang pinaniniwalaan at sana po ay maiisip din ng iba na kailanman ay wala kaming hangad kundi ang maligtas ang lahat.
Patuloy po kaming nagsasagawa ng mga lingap sa mamamayan at kung inyo pong matatandaan nagsasagawa rin po kami ng medical mission sa lahat ng panig ng mundo na aming nasasakupan. Wala kaming hinahangad na kapalit kundi ang mapakinggan ninyo ang mga aral ng Iglesia ni Cristo na aming sinasampalatayanan.
Source from kapamilya GOLD (abs-cbn) |
Kung kayo po naanyayahan sa mga isinasagawang "Pamamahayag ng mga salita ng Diyos" magsuri po kayo upang malaman po ninyo ang tungkol sa mga doktrina na nais ninyong malaman. Libre naman po ang magtanong maaari po ninyong isulat sa kapirasong papel at ibigay po sa mga may tungkulin na nakatalaga sa pagkakataon iyon.
Nakakalungkot lang minsan! Sa kabila ng maraming pagtulong ng Iglesia ni Cristo sa lahat ay may ilan pa rin hindi matiis na kutyain o laitin ang aming samahan. Sa katunayan po ay may iilan na pilit pa ring sinisiraan ang Iglesia ni Cristo para ito ay mawasak o magkabahabahagi. Sana po ay maisip ng ilan na hindi po kami ang gumagawa ng ikapapahamak ng mga tao. Nais po naming mabago ang pananaw ng karamihan na may Diyos na buhay at handang tumulong sa ating lahat. Magsilbing babala po sana ang mga nangyayaring sakuna at peligro sa buhay natin ngayon. Nang sa ganun ay magawa nating lahat ang nais ipagawa ng ating panginoong Diyos.
May pangako po ang ating Diyos sa ating lahat. Ang sinumang maniniwala sa kanyang mga aral ay maliligtas at hindi mapapahamak. Ibibigay niya ang kaharian at buhay na walang hanggan na kanyang ipinangako sa kanyang mga hinirang. Hindi man po natin nakikita o nararamdaman pero ito sa kabilang buhay na kanyang pangako sa lahat
Salamat po sa komento ng isang ito tungkol sa kumakalat na paninira sa Iglesia ni Cristo.
Please watch this video: