Saturday, July 27, 2013

99th Anniversary of Iglesia Ni Cristo - World Wide


Maraming salamat po AMA sapagkat patuloy pa rin po kaming kaanib sa iyong Iglesia. Sa ngalan po ng aking may bahay ay lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na ibinigay po ninyo sa amin. Hindi po kami kailanman magsasawa sumunod sa mga aral na amin pong naririnig sa aming mga ministro at manggagawa na patuloy pong nagsasakit upang kami po turuan ng mga mabubuting aral na nakapalaoob sa bibliya.

Mahal po namin ang aming karapatan at ito ay aming pagsisikapan na maipaintindi sa aming mga anak hanggang sa sila po ay lumaki at magkaisip. Alam po namin na magkakaroon po sila ng malaking takot sa inyo upang magampanan nila ang tunay na paglilingkod sa inyo at maging Iglesia.

Happy 99th anniversary po sa lahat ng aking mga kapatid sa pananampalataya batid ko po na parehas lang po tayo ng nararamdam sa ngayon. Excited tayo sa darating na 100 years anniversary. Kaya patuloy lang po tayong tumupad ng ating mga tungkulin at ito na rin po ang maging tulay upang ang ating mga mahal sa buhay at mga kaibigan na hindi pa kaanib ay maintindihan nila kung gaano kasarap maging Iglesia.

Sa aming pong pinakamamahal na kapatid na Ka Eduardo Manalo, maraming salamat po sa patuloy po ninyong pag aalaga aming lahat, hindi ka man po namin makita at mahawakan ay dama po namin ang inyong pagmamamahal sa aming lahat. Alam po namin na patuloy po ninyong pinagmamalasakitan ang bawat isa amin kaya mahal na mahal ka po namin.

Ingatan ka po palagi na ating Amang Diyos at ibigay po ang pinaka malusog na pangangatawan at ibigay po ang hindi matatawaran na karunungan upang patuloy po ninyo kaming mapangunahan.

Muli po ay maligayang anniversary po sa inyo at sa lahat po ng mga kasangkapan upang patuloy pa pong lumawig ang ating pananampalataya.

Mabuhay po tayong lahat.......

-Flores Family-